Maganda. Matalino. Mataray.
Sanay siya na nasa kanya ang atensiyon ng lahat. Kaya naman ng makabungguan niya ng sasakyan ang antipatikong si Lancelott Storm, isang hilaw na amerikano na hindi kilala ang pagmumukha niya, halos sumabog siya sa sobrang galit.
Sino ba ang lalaking ito na binangga na siya at lahat-lahat, hindi man lang sinambit ang salitang 'sorry' at wala pang kaabog-abog na iniwan siya ng dumuho sa gitna ng kalsada.
At ang hindi niya matanggap ay sa dinami-dami ng photographer sa mundo, ito pa ang kinuha ng Fashion Magazine para kunan siya ng larawan.
Nasaan ang katarungan?
0 Comments:
Post a Comment